Umabot na sa 1,223,835 ang water service connections ng Manila Water sa East Zone ng Metro Manila at Rizal sa unang quarter ng 2026.
Nadagdagan ito ng 14,501 bagong koneksyon, kabilang ang 14,149 residential at 352 commercial at industrial accounts.
Sa buwan lamang ng June, 2,332 bagong koneksyon ang na-install ng kumpanya.
Kasabay nito, patuloy na pinapalawak at pinananatili ng Manila Water ang mahigit 5,700 kilometro nitong pipeline network.
Ayon kay Manila Water Corporate Communication Group Head Dittie Galang, malaking bahagi ng paglago ay suportado ng mga pamumuhunan sa alternatibong pinagkukunan ng tubig, kabilang ang Laguna Lake at Upper Marikina River Basin.
Kabilang sa mga proyekto nito ang East Bay Water Treatment Plants at Upper Wawa Dam.
Layon nitong palakasin ang water security at matiyak ang tuloy-tuloy na 24/7 water service sa lumalaking bilang ng mga customer. | ulat ni Rey Ferrer