Pinaghahandaan na ang pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Pampanga Provincial Capitol sa San Fernando City ngayong araw (August 24, 2026), kung saan magaganap ang situation briefing kaugnay sa mga naranasang pagbaha sa lugar, bunsod ng mga nagdaang pag-ulan.
Base sa pinakahuling datos, nasa 253 barangay ang nakaranas ng pagbaha mula sa 16 na LGU sa Pampanga.
Higit 314, 000 pamilya o katumbas ng higit isang milyong indibidwal ang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha na ito.
Nasa higit 3,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers, habang halos 3,000 pamilya rin ang nanunuluyan muna sa kanilang mga kaanak.
Pumalo sa higit P1.4 billion ang pinsalang tinamo ng agrikultura ng probinsya, kung saan nasa higit 10,000 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Makakasama ng pangulo sa situation briefing ang mga kalihim ng DPWH, DSWD, DOLE, DILG, DepEd, at local officials ng Pampanga LGU.