Upang mas maging resilient ang sektor ng Agrikultura at Pangisdaan mas lalong palalakasin ang Smart Agriculture sa bansa.
Ito ang naging tugon ni DepDev Usec Rosemarie Edillion sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sa tanong kung bakit nanatiling nasa mahirap na kalagayan pa din ang Agriculture at Fisheries sector sa kabila ng pagbaba ng Poverty Incidence ng mga ito sa taong 2025.
Batay sa datos ng PSA 2025 Poverty Incidence, bumaba ang antas ng kahirapan sa Agrikultura sa 27% mula sa 29.9% at bumaba din sa 27.4% mula sa 30.2% ang poverty incidence sa Fisheries Sector.
Ayon kay Usec Edillion ang climate shock dulot ng climate change ang nananatiling pangunahing dahilan upang mahirapan maka-bangon ang Agriculture and Fisheries sector sa likod ng pagbaba ng antas ng kahirapan nitong 2025.