Ipinapaalala sa mga mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mahalagang papel ng bawat isa sa pagpapatibay ng demokrasya sa rehiyon sa pamamagitan ng pagiging responsable at kritikal na botante.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng bawat boto upang pumili ng mga pinunong magsisilbi nang may integridad, pananagutan, at dedikasyon para sa hinaharap ng Bangsamoro.
Mga Tungkulin ng isang Responsableng Botante:
- Siguraduhing nakatala at verified ang iyong voter registration at impormasyon sa presinto.
- Alamin ang background, mga platform, at plano ng mga kandidato.
- Igalang ang iba’t ibang opinion at magsagawa ng payapang talakayan.
- Tumanggi sa vote-buying, karahasan sa halalan, at ang pagpapakalat ng fake news.
- I-report ang anumang paglabag sa batas pambansa at pampubliko sa mga nauukol na awtoridad.
Upang matamo ang isang mas maunlad na rehiyon, kailangang panatilihing payapa, tapat, maayos, kredible, at ligtas ang buong proseso ng halalan.
Maaaring i-verify ang impormasyon ng rehiyon at mga alituntunin ukol sa halalan sa pamamagitan ng pagbisita sa COMELEC Official Website.