Fuel supply ng Pilipinas, nananatiling matatag sa 47 days – DOE
Nananatiling matatag naman ang suplay ng langis ng bansa, ayon sa DOE, kung saan mayroon pang total na 47 days ang petroleum supply ng bansa.
Sa gasolina ay mayroon pang 44.39 days, diesel ay 47.66 days, sa kerosene ay 121.85 days, at sa jet fuel naman ay 75.57 days.
Pagdating sa fuel oil, ay mayroong 54.33 days at Liquefied Petroleum Gas o LPG na mayroon pang 34.49 days.
Tiniyak ng DOE na patuloy pa rin ang kanilang pag-aangkat ng produktong petrolyo upang agad na mapunan ang magagamit na suplay ng langis ng bansa.
Hindi rin napapatid ang ugnayan ng Pilipinas sa iba pang oil-producing nations bukod sa mga bansa sa Gitnang Silangan.
