Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang kumpanyang Pinoy na nasa automotive parts/accessories business at may import-export operations.
Sa naging statement ng Pangulo ay sinabi nitong pakay ng kanyang pagbisita na tingnan kung maaari na ding makagawa ang bansa ng sarili o Filipino made na jeep at tricycle.
Kanila, aniyang, tiningnan kasama ang Department of Science and Technology (DOST) kung ano ang kailangan pang gamit sa pasilidad at ng sa gayon ay makapagbigay ng kaukulang suporta ang pamahalaan.
Malaki ayon sa Pangulo ang maiaambag ng MD Juan Enterprises bilang matagal na sa industriya at may sapat na teknolohiya para maabot ang minimithing makapag-produce na ang Pilipinas ng sarili nitong e- vehicle.
Paraan aniya ito ayon sa Pangulo para mabawasan na ang pagiging pala-asa natin sa produktong petrolyo.
Ang susunod na hakbang, sabi ng Chief Executive, ay magkaroon ng kailangang equipment para sa produksiyon ng e-vehicle.