Para matutukan ang mental wellness ng mga estudyante sa Valenzuela, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang PANATAG Mental Health Program, na unang school-based at LGU-supported mental health program sa bansa.
Sisimulan ang programa sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at Valenzuela City Technological College (ValTech) sa pakikipagtulunagn sa Mindscapes ng Philcare.
Sa ilalim nito, ilalapit sa mga estudyante ang one-stop shop mental health services kabilang ang psychological consultation, nutritionist at social worker consultation, MindCheck, at 24/7 MS Chat and Helpline support.
Saklaw din nito ang dependents at iba pang household members ng mga benepisyaryo.
Magtatatag din ng PANATAG Mental Health Hubs sa PLV at ValTech bilang mga accessible na lugar kung saan maaaring humingi ng mental health support ang mga estudyante sa loob mismo ng kanilang paaralan.
Ayon kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, mahalagang magkaroon ng ligtas na espasyo kung saan maaaring magsalita at humingi ng tulong ang mga kabataang nakararanas ng mabigat na pinagdaraanan.
📸 Valenzuela LGU

