Photo courtesy | International Maritime Organization - IMO
Muling pinag-uusapan ng Iran at Oman ang pagtatatag ng pansamantalang daanan sa Strait of Hormuz habang nananatiling hindi nagkakasundo ang Iran at Estados Unidos sa usaping pangkapayapaan.
Layunin ng dalawang bansa na magkaroon ng ligtas na daanan ang mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz para sa pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas.
Kabilang sa mga pinag-uusapan ang magkasanib na temporary navigational corridor at mga hakbang para alisin ang sea mines.
Patuloy rin ang teknikal na negosasyon para sa mas permanenteng sistema ng paglalayag, kabilang ang pamamahala ng trapiko at seguridad.
Samantala, nananatiling mahirap ang usapang pangkapayapaan ng Washington at Tehran habang patuloy ang panggigipit ng Estados Unidos sa ekonomiya ng Iran.
Umaasa naman ang mga negosyador na makatutulong ang bagong hakbang upang unti-unting maibalik ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz.