Magkatuwang na tinutugunan ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang dumadagsang kaso ng Leptospirosis sa National Capital Region.
Napagkasunduan ng PGH at NKTI na maglilipat ang huli ng pasyenteng may Leptospirosis o may iba pang karamdaman tulad na Pneumonia o heart attack upang matugunan ng NKTI ang dumadagsang pasenyenteng may Leptospirosis.
Ito ang naging pahayag ni Philippine General Hospital Director, Dr. Gerardo “GAP” Legaspi, sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Director Legaspi, dahil sa paglipat ng mga pasyente galing sa NKTI, biglang napuno ang Emergency Room ng PGH na siya ngayong nakapagdudulot ng strain sa ospital at mga medical staff nito.
Sa kabila nito, siniguro ni Director Legaspi hindi hihinto ang commitment ng PGH sa NKTI upang makapagbigay ng serbisyong medikal sa taong bayan.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 4,285 na ang kaso ng Leptospirosis sa buong bansa mula January 1, 2026 hanggang August 22, 2026.
Batay pa din sa datos ng DOH, mahigit sa 220 na ang nasawi dahil sa Leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 8 pa lamang ng taong kasalukuyan.