Hinikayat ni Executive Secretary Ralph Recto ang Presidential Scholars na gamitin ang pagkakataong ibinigay sa kanila upang tapusin ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.
Sa isinagawang turnover ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) checks sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang initiative sa mga LGU sa Iloilo, sinabi ni Executive Secretary Recto na mahigit 200,000 scholars sa buong bansa ang makikinabang sa programa bawat taon.
Binigyang-diin ni Recto na walang imposible para sa mga kabataang may pangarap at determinasyon—maaari silang maging susunod na guro, engineer, nurse, doktor, abogado, negosyante, barangay captain, mayor, gobernador, Executive Secretary, o maging Pangulo ng Pilipinas.
Mensahe ni Recto sa mga scholar na tapusin ang pag-aaral, abutin ang mga pangarap, at huwag isipin na may imposible.
Mayroong higit 8,600 na benepisyaryo an Makikinabang sa Presidential Scholarship sa lalawigan ng Iloilo mula sa higit 1,700 na barangay.