Photo courtesy of Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)
Nilinaw ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na last option na ang pagba-ban sa paggamit ng social media at iba pang online platforms sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni CICC Executive Director, Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, kaugnay ng mga panawagan ng ban sa paggamit ng social media at iba pang online platforms ng mga kabataan.
Kaugnay pa rin ito sa iniiugnay na serye ng karahasan at pamamaril sa ilang paaralan sa bansa.
Ayon kay Paraiso, nakikipagtulungan naman na ang platforms at napakalaking global change na ang ipinatupad ng ilang platforms tulad ng Roblox sa kanilang polisiya upang maaksiyunan ang isyu sa karahasan at mga tinatawag na groomers.
Sa ngayon ang isinasaayos na lang ay ang pagkakaroon mismo ng isang physical office ng mga nasabing platforms sa bansa.