Nag-abiso na ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muli itong tumatanggap ng aplikasyon para sa mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs)
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua Jr., bahagi ito ng mga hakbang para matiyak na sumusunod sa pangunahing roadworthiness requirements ang lahat ng pumapasadang PUVs sa bansa.
Ayon kay Pua, mahalaga ang roadworthiness ng mga sasakyan lalo’t nakasalalay dito ang seguridad ng mga commuter.
Batay sa LTFRB Memorandum Circular, unang isasagawa ang pagtanggap ng aplikasyon para sa LTFRB Partner PMVICs sa Metro Manila at CALABARZON.