Walang naitalang Filipino casualty sa naganap na flashflood sa Nepal na kumitil na ng higit 160 buhay habang higit 400 indibidwal pa ang patuloy na pinaghahanap.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, base sa datos mula sa OWWA at Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 18 ang OFW sa Nepal habang 128 Pilipino ang nakapag-asawa na ng Nepalese national.
Wala aniyang naitalang Filipino casualty mula sa flashflood.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Nepal para sa update.
Sinabi ni Castro na ikinalulungkot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangyayari, at kaisa ng buong mundo ang Malacañang sa pananalangin sa mga biktimang apektado ng sakuna.