Binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) na nananatiling inosente si Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro at korte na ang magpapasya ukol sa mga isinampang kaso laban sa kanya.
Sa isang press briefing, sinabi ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato na ang pagsasampa ng kaso sa kaukulang hukuman sa Marikina City ay resulta ng prosecutorial evaluation at ang usapin ay dadaan na sa susunod na proseso.
Samantala, iginiit ng legal counsel ni Teodoro na si Atty. Alma Mallonga na walang sapat na basehan ang mga reklamong isinampa laban sa kongresista at kinuwestiyon ang mga pangyayari sa paglabas ng resolusyon sa kaso.
Kinuwestiyon ni Mallonga kung bakit hindi inihanda at nilagdaan ng DOJ panel na nagsagawa ng imbestigasyon ang resolusyon, kundi ng ibang state prosecutor. | ulat ni DK Zarate