Malinaw ang mga patakaran sa paggastos ng confidential at intelligence funds (CIF).
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, kung susundin lamang ang mga itinakdang panuntunan sa Joint Memorandum Circular 2015-01, walang magiging problema sa paggamit ng CIF.
Ang pahayag na ito ni Castro, kaugnay ng plano ng Commission on Audit (COA) na amyendahan ang umiiral na rules sa paggamit ng CIF kasunod ng lumutang na mga isyu sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kung matatandaan, isa ang Office of the President (OP) sa mga tumanggap ng CIF sa ilalim ng national budget.
Sabi ni Castro, nasa taong gumagamit ng pondo ang problema, lalo na kung sadyang mayroong balak na manamantala ay magagawa nilang mapaikot ang mga patakaran.
“Pero dahil sa mga tao na may mga balak na gamitin ang kanilang katalinuhan, ang kanilang knowledge or skills na mapaikot ang rules, doon nagkakaroon ng problema.” —Castro