Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na 98% na silang handa para sa isasagawang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa darating na September 14, 2026.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co, hindi pa nila itinaas sa 100% ang bilang dahil may mga ikinokonsidera pa silang security tweaks at ilan pang bagay na dapat pang puliduhin bago ang mismong araw ng eleksyon, kasama na nga rito ang posible pang mga bantang lumutang bago ang mismong araw ng eleksiyon.
Kinumpirma rin ng PNP ang deployment nito ng 9,435 na tauhan para sa iba’t ibang election duties at pagbabantay sa mismong araw ng halalan.
Pagtitiyak pa ng PNP na may nakahanda na rin silang mga contingency plans at measures para sa nalalabing mga araw bago ang eleksiyon at sa mismong araw ng BARMM Parliamentary Elections.