Matumal pa rin ang bentahan ng mga bulaklak at iba pang paninda isang araw bago ang Undas sa Bagbag cemetery.
Sa isang puwesto, mabibili sa halagang ₱70 ang maliliit na bulaklak, habang ₱150 naman ang sunflower.
Nasa ₱12 hanggang ₱30 ang maliliit na kandila, habang ₱45 naman ang ilang uri ng insenso o sticks.
Ayon kay Mara, isa sa mga nagtitinda, tumaas ng P50 ang puhunan nila sa bulaklak kumpara noong nakaraang taon.
Mula sa dating ₱300 hanggang ₱350 kada bundle, nasa ₱400 na ito ngayon.
Aminado rin siyang matumal pa ang bentahan, posibleng dahil sa inflation at pangamba ng mga mamimili. Inaasahan nilang dadagsa ang mga mamimili mamayang hapon o sa mismong sa araw ng Undas.