Mahigit 600 lugar sa bansa, apektado ng paghaba dulot ng Habagat
Pumalo na sa 608 na mga lugar sa bansa ang nakaranas ng malawakang pagbaha dulot ng masamang panahong dala ng Habagat at ng mga nagdaang bagyo.
Batay ito sa 8AM upadate ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ngayong araw.
Pinakamarami rito ayon sa NDRRMC ay mula sa Regon 3 o Central Luzon na nasa 585 na mga lugar na binaha dahil sa walang patid na pag-ulan.
Samantala, 89 na mga kalsada at tulay ang hindi pa rin madanan habang nasa 34 naman na ang passable na ngayon.
Aabot nama sa 70 bayan at lungsod sa Central Luzon ang apektado ng masamang panahon.