Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na ipaglalaban ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.
Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, kung saan sinabi ng Chief Executive na patuloy na igigiit ng bansa ang maritime entitlement nito sa UNCLOS.
Ayon sa Pangulo, patuloy na igigiit ng Pilipinas ang proteksiyon alang-alang sa interes ng bansa, habang patuloy na magiging sandigan ang rule of law sa pagprotekta sa yamang inaasahan ng ating mga kababayan.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ipaglalaban ng bansa ang karapatan nito sa mapayapa, naaayon sa batas, at naaayon sa prinsipyo.
Naririyan pa rin ang hamon, subalit titindigan aniya ng Pilipinas ang mga hamong ito na patuloy na kinakaharap ng bansa.
