Nasa 72.16 percent na agad ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa target nito na maka-₱300 billion na investment ngayong taon.
Ayon sa PEZA ngayong August 2026 pa lang nasa ₱216.46 billion na ang aprubadong mga investment sa bansa halos doble ito kumpara sa kaparehas na panahon noong 2025 na nasa ₱105.83 billion lang ang investment.
Nasa 196 na proyekto ang mga investment at inaasahang makakabuo ng 26,994 na trabaho sa buong bansa.
Karamihan naman ng investment ay sa manufacturing, sumunod sa ecozone development, information technology business process management o IT-BPM, facilities, logistics, at iba pa.
Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na kikilos ang gobyerno upang siguruhin na mabilis na mabubuo ang proyekto mula sa investments na malaki ang maitutulong sa mga Pilipino.