Tiniyak ng Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos na nananatiling matatag ang alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang naging pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez kasunod ng ilang pagbabagong ipinatupad ni US President Donald Trump patungkol sa mga kaalyadong bansa ng Amerika.
Ani Romualdez, walang dapat ipangamba ang publiko dahil tiyak pa rin ang maagap na pagtugon ng Estados Unidos sa Pilipinas, lalo na sa panahong kakailanganin ang tulong nito.
Dagdag pa ni Romualdez na hindi lang naman ang Amerika ang nag-iisang kaalyado ng Pilipinas dahil nariyan din naman ang iba pa nitong allied nations at like-minded nations.
Hindi rin tumitigil ang Pilipinas sa pagbuo pa ng karagdagang defense partnerships sa iba pang mga bansa.