CSC, nagpaalala sa government employees ukol sa “special emergency” leave sa panahon ng kalamidad
Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga mangagawa sa gobyerno ukol sa 5-day “special emergency” leave na maaring magamit sa panahon na biktima sila ng kalamidad.
Sa pagtalakay ng 2027 budget ng komisyon, sinabi ni CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo, maaari itong i-avail ng government employees sa loob ng isang taon.
Kailangan lamang magpakita ng katibayan na sila ay apektado ng kalamidad.
Ito ang tugon ni Ronquillo sa interpellation ni Gabriela Womens Partylist Rep. Sara Elago sa intervention ng CSC para sa mga empleyado sa gobierno sa panahon nalang sakuna.