Bagamat abala pa ang bansa sa pagtugon sa epekto ng mga nagdaang bagyo at Habagat ay hindi naman nagpapatumpik-tumpik pa ang Department of Agriculture (DA) upang paghandaan naman ang inaasahang epekto ng El Niño sa huling bahagi ng taon hanggang 2027.
Sa panayam ng programang BOSES kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, tiniyak na mismo ng Kongreso ang dagdag na pondo para sa kagawaran upang matugunan nito ang magiging epekto ng El Niño.
Ilan nga sa mga paglalaanan nito ay ang pagsasa-ayos at pagdaragdag pa ng mga irigasyon, pondo para sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks, at quick response fund.
Ilang mga interbensiyon na rin ang inihahanda ng DA upang mas matulungan ang mga magsasaka sa inaasahang epekto ng El Niño na tutugon sa pagpapataas pa ng kanilang produksiyon.
Ilang mga pamamaraan na rin ang itinuturo ng DA sa mga magsasaka upang masalag ang matinding epekto ng El Niño.