Sumampa na sa higit apat na milyong turista ang bumisita sa Pilipinas mula buwan ng Enero hanggang Agosto, ngayong taon.
Base sa datos ng Department of Tourism (DOT), umabot na sa 4.11 milyon ang naitalang tourist arrivals sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay mas mataas ito ng 3.7% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa bilang na ito, nangunguna bilang pinakamalaking pinagmulan ng tourist arrivals ang Estados Unidos na may 818,000 arrivals na sinundan naman ng mga bansang South Korea, Japan, China at Australia.
Patuloy naman ang isinasagawang mga inisyatiba at programa ng DOT upang makahikayat pa ng mas maraming turista lalo’t sumapit na ang ber months.