Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng Manila-Cavite Road sa Noveleta, Cavite para matapos agad ang kalsada bago mag-Undas upang mapabilis ang biyahe ng mga motorista at komyuter na luluwas sa iba’t-ibang probinsya.
Nasa kalahati na ang natatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula lamang sa 6% o halos walang construction progress mula nang inspeksyunin ni Public Works Secretary Vince Dizon noong nakaraang buwan ang inirereklamong nakatenggang proyekto, na nagdudulot ng matinding trapiko sa lugar at pagkasayang sa oras ng mga dumaraan dito.
“From 6% nasa halos 50% na tayo. Sabi ho ni Pangulo, kailangan tutukan ‘to kasi kawawa ‘yong mga kababayan natin. Tuluy-tuloy ‘yong 24/7 na trabaho. Hopefully, mag-cooperate din ‘yong weather para bago mag-Undas, sana tapos na tayo,” ayon kay Secretary Dizon. | via DPWH Press Release