Kasunod ng malawakang epekto ng Habagat, walang patid ang pagpapadala ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan sa Central Luzon.
Mula sa Luzon Disaster Resource Center, sunod-sunod na bumiyahe nitong Miyerkules ng hapon ang mga wing van na may kargang food packs.
Kabilang dito ang 9,480 family food packs na ibinyahe patungong Pampanga para sa mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha dulot ng Habagat.
Kaugnay nito, umabot na sa 263,841 family food packs ang naipamahagi ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.
Pinakamarami rito ang napunta sa Central Luzon na may 146,486 FFPs, sinundan ng Ilocos Region na may 59,339; NCR, 33,842; CALABARZON, 19,020; at Cordillera Administrative Region (CAR), 5,154.
Patuloy na nagmomobilisa ang DSWD ng resources para mapabilis ang paghahatid ng relief assistance.
📸 DSWD
