Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG), Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at iba pang ahensya ang sasakyang lumubog sa Tarlac River kasunod ng bahagyang pagguho ng Agana Bridge noong August 29.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, kinumpirma ng may-ari na ang narekober na sasakyan ang parehong nahulog sa ilog matapos gumuho ang bahagi ng tulay.
Una nang sinubukang iahon ang sasakyan dakong alas-2 ng hapon ngunit nabigo dahil nakabaon ito sa ilalim ng ilog kaya gumamit ng mas malaking crane sa retrieval operation.
Patuloy naman ang surface search ng PCG para sa dalawa pang nawawalang pasahero.
