Aabot sa 83 road sections sa ilang rehiyon sa bansa ang cleared na at muli nang nadaraanan ng mga motorista matapos maapektuhan ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat at mga nagdaang bagyo.
Gayunman, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 128 road sections at 16 na tulay ang hindi pa rin nadaraanan sa kasalukuyan.
Batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC ngayong umaga, kabilang sa mga kalsadang hindi pa passable ang dalawa sa Benguet at isa sa Pangasinan. Mayroon din sa Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
May kabuuang 288 equipment at 875 personnel na ang ipinakalat para sa debris at clearing operations sa mga apektadong rehiyon tulad ng Regions 1, 2, 3, CAR, NCR, CALABARZON, MIMAROPA, V at VI.