Photo courtesy of Philippine Statistics Authority (PSA)
Bahagya pang bumagal ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong buwan ng Agosto.
Sa ulat ni National Statistician Dennis Mapa, bumagal sa 6.1% ang inflation rate mula sa 6.2% noong Hulyo.
Katumbas na ito ng 5.2% na average inflation mula Enero hanggang Agosto.
Ayon sa PSA, kasama sa nakaambag sa inflation ang mas mabagal na inflation sa gulay gaya ng kalabasa at isda partikular ang bangus.
Nakaambag din ang pagbagal ng inflation sa singil ng kuryente.
Pagdating sa pagkain, bumilis ang inflation sa bigas at prutas, habang bumagal naman sa baboy at negative inflation ang naitala sa itlog.
Dito sa Metro Manila, bumagal din ang inflation sa antas na 4.1% mula sa 4.4% noong buwan ng hulyo.