Hindi na ipiprisinta ng House prosecution bilang mga testigo sina dating OVP security officer Col. Raymund Dante Lachica at retired Marine Ramil Madriaga sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers, tinanggal na sa witness list sina Lachica at Madriaga habang tinatapos ng prosecution ang presentasyon nito sa Article I.
Nakatakda namang tumestigo mula September 7 hanggang 9 sina COA employee Bresilio Sabaldan, dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Cherry Fajarda at Police Maj. Jovelyn Magay.
Sinabi ni Barbers na maaari ring hindi na ipatawag si dating DepEd special disbursing officer Edward Fajarda kung papayag ang depensa na mag-stipulate sa mga katotohanan tungkol sa kanyang designation at mga tungkulin, kung hindi ay maaari pa ring ituloy ng prosecution ang pagharap ng iba pang testigo sa kanilang natitirang schedule.