Naghain ng ‘not guilty’ plea si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanyang arraignment sa Sandiganbayan 2nd Division.
Kaugnay ito ng kasong graft laban sa kanya, na may kinalaman sa umano’y katiwalian at kickback scheme sa mga flood control project.
Dumating si Bonoan sa Sandiganbayan bago mag-ala-1:30 ng hapon.
Naunang inalis ng Sandiganbayan 5th Division si Bonoan bilang akusado sa kasong plunder at graft, kaya’t iniutos na rin ang kanyang paglaya.
Nananatili naman ang kasong graft laban sa kanya sa 2nd Division, na isang bailable na kaso.
Kinamusta rin ni Presiding Justice Geraldine Econg si Bonoan hinggil sa kanyang kalusugan. Tugon naman ng dating kalihim, nagpapagamot pa rin siya.