All hands on deck na ang buong puwersa ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Parliamentary Elections sa September 14, 2026.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay Zamboanga Sibugay Provincial Police Office Spokesperson Police Captain Russel Jan Parungao, binigyang-diin nito na nananatiling “manageable” at mapayapa ang sitwasyon sa Zamboanga Sibugay pagdating sa mga paghahanda para sa nalalapit na BARMM Elections.
Kasado na rin ang latag ng seguridad ng Zamboanga Sibugay Police partikular sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga presinto at lugar na pagdarausan ng halalan.
Dagdag pa ni Parungao na ang pagpapanatili ng kapayapaan sa nalalapit na BARMM Elections ay hindi lamang solong responsibilidad ng Pulisya kundi isa itong “shared responsibility” na dapat ding gampanan ng publiko.