Sisimulan na ngayong araw ang 2026 Bar Examinations sa 15 testing centers sa buong bansa.
Aabot sa 13,441 law graduates ang kwalipikadong kumuha ng pagsusulit, na gagawin ngayong September 6, at sa September 9 at 13.
Kabilang sa mga itinalagang testing center ang New Era University sa Quezon City.
Kaugnay nito, nagpatupad ang pamahalaang lungsod ng Quezon ng mga restriction sa paligid ng testing center, partikular sa Central Avenue, para mapanatili ang katahimikan at kaayusan habang isinasagawa ang pagsusulit.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak, mass gathering, parada, salubong, party, concert, karaoke o videoke, at paglo-loiter.
Ipinagbabawal din ang iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng ingay o gulo sa paligid ng testing center.
Samantala, maaga pa lang kanina, nagdatingan na sa testing center ang mga examinees mula sa iba’t ibang lugar para sa pagsusulit. Batay sa records ng Supreme Court, kabuuang 5,594 sa 11,425 examinees noong 2025 Bar Examinations ang nakapasa at ngayon ay mga ganap nang abogado.