Pinasimple ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ang proseso ng emergency loan para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng pagbaha.
Sa ilalim ng Calamity Loan Component ng AGRI-RECOVER Program, maaaring makahiram ng hanggang ₱35,000 ang kwalipikadong maliliit na magsasaka at mangingisda.
Walang interes at walang kailangang kolateral ang pautang, na maaaring bayaran sa loob ng hanggang tatlong taon.
Kailangan lamang na rehistrado sa RSBSA at may valid na bank o financial account ang aplikante para sa direktang pag-credit ng loan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng programa na agad na maibigay ang puhunan para makabangon at makabalik sa produksyon ang mga apektado ng kalamidad.
Maaari rin umanong i-restructure o muling ayusin ang kanilang kasalukuyang utang, kabilang ang posibleng pagpapaliban ng bayarin.