Photo courtesy of Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Pinaiigting ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit ng datos sa climate risk planning ng mga probinsya, habang tumitindi ang epekto ng climate change sa bansa.
Sa pangunguna ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna, pinalalawak ang paggamit ng Provincial Climate Risk Diagnostic (PCRD) Tool upang matukoy ang mga lugar na mataas ang panganib sa baha, landslide, storm surge at iba pang climate-related hazards.
Layunin ng hakbang na mapalakas ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at maging batayan ang climate risk data sa pagpaplano ng mga proyekto at programa.
Sa pamamagitan ng PCRD Tool, matutukoy kung aling mga lugar ang nangangailangan ng mas malaking suporta para sa flood control, disaster preparedness, environmental protection, at climate adaptation.
Inaasahang makatutulong ang tool sa mas maayos na paglalaan ng pondo at pagpapatupad ng mga hakbang para mabawasan ang panganib sa mga komunidad.
Sinabi ng DENR, na mahalaga ang paggamit ng tamang datos upang mapalakas ang climate resilience at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mga Pilipino.