Pinabibinilis na ng Department of Energy (DOE) ang pagpasok sa grid ng mga bagong batttery energy storage facility sa Visayas at Mindanao grid upang maging stable ang suplay ng enerhiya roon at upang mabawasan na rin ang mga naitatalang yellow at red alert.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, patuloy din nilang mino-monitor ang development ng mga bagong power generation projects na inaasahang magdadagdag ng kapasidad at suplay ng kuryente sa mga susunod na taon.
Lahat ng ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatiling stable at reliable ang suplay ng kuryente, lalo na habang patuloy na lumalaki ang power demand ng bansa.