Kaso ng leptospirosis sa Maynila, tumaas
Nakapagtala ang Manila Health Department (MHD) ng 12 bagong kaso ng leptospirosis sa Maynila ngayong Setyembre 7, dahilan para umabot sa 982 ang kabuuang kaso mula Enero.
Batay sa pinakahuling datos ng MHD, naitala rin ngayong araw ang siyam na kaso ng severe acute respiratory infection, walong dengue, anim na influenza-like illness at isang cholera.
Wala namang bagong kaso ng typhoid fever at kumpirmadong COVID-19.
Mula Enero hanggang Setyembre 7, pinakamataas ang naitalang dengue cases sa 2,722, sinundan ng influenza-like illness na 1,364 at leptospirosis na 982.
