Inaprubahang commercial use ng ASF vaccine, inaasahang magpapabago sa hog industry
Minamadaling ibenta ngayon ng mga hog raiser ang kanilang baboy bago magtag-ulan sa takot na muling magkaroon ng African Swine Fever (ASF) outbreak.
Nakita na kasi noon ang pagtaas ng ASF infection tuwing tag-ulan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang fast break move na ito ang dahilan ng pagbaba ng farm gate prices.
Ngayong pinayagan na ang commercial use sa ASF vaccine, inaasahan ng kalihim na makakahikayat ito sa mga hog raiser na palawakin ang kanilang produksiyon sa mga susunod na buwan, magpapatatag ng domestic supply at makakabawas sa pagdepende sa imports.