Isinusulong ng Marcos administration ang P197.3 billion na pondo para sa railway infrastructure sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program upang pabilisin ang mga pangunahing rail projects sa bansa.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa North-South Commuter Railway (NSCR).
Nagkakahalaga ito ng PhP123.84 billion.
Ayon sa opisyal, kasama rin sa panukalang budget ang PhP67.44 billion para sa Phase 1 ng Metro Manila Subway, gayundin ang pondo para sa LRT-1 Cavite Extension at MRT-3 Rehabilitation.
Binigyang-diin ni Castro na layunin ng administrasyon na mapagaan ang trapiko, mapabilis ang biyahe ng mga commuter, at masuportahan ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng mas maayos na railway system.