Photo courtesy of Presidential Communications Office
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa pwesto ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, bilang Kalihim at Lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Ito ang tanggapan ng gobyerno na nagsisilbi bilang coodinating at advisory body para sa implementasyon ng Social Reform Agenda at Magna Carta of the Poor.
Naganap ang panunumpa ni Pacquiao sa pwesto, sa Malacañang, ngayong araw (September 8).
Sa oath-taking ceremony, nagpahayag ng buong suporta si Pangulong Marcos sa kakayahan ng kalihim na pamunuan ang tanggapan.
Tiwala ang pangulo na kaya ni Pacquiao na paigtingin ang mga pagsisikap ng gobyerno, upang matuldukan ang kahirapan, maisulong ang mga repormang panlipunan, at mapadali ang pagbababa ng programa at serbisyo ng pamahalan, sa mga nangangailangang komunidad sa buong bansa.