Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4Ps beneficiaries na naghahanap ng trabaho na ihanda na ang kanilang requirements dahil mas pinalapit na ang employment opportunities, sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo 2026 Job Fair na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ito ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, kung saan 421 employers ang kalahok sa job fair na nag-aalok ng 34,439 job vacancies sa 79 job fairs nationwide.
Nagsimula nang lumarga nitong Lunes, September 7, ang job fair sa Negros Island Region.
Dito sa Metro Manila, may nakaiskedyul ding job fair sa September 12 sa Isetann Department Store sa C.M. Recto Avenue, Manila, at sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City.
May iba pang job fairs na nakatakda sa September 14 sa CAR, Regions 1-3, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, at Regions 6-13
Pinapayuhan ang mga aplikante na alamin ang job openings mula sa iba’t ibang employers at samantalahin ang mga serbisyong makatutulong sa kanilang job application at employment needs.