Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng fuel discount program ng pamahalaan para sa mga pampublikong sasakyan partikular na ang mga jeepney at UV express.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bahagi pa rin ito ng tulong para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na labis na tinatamaan ngayon ng taas-presyo sa produktong petrolyo.
Inihayag ni LTFRB Acting Chairperson Greg Pua, Jr. na maa-avail ng mga tsuper ng jeep at UV express ang ₱12 per liter na diskuwento na may limit na 30 liters kada araw.
Kasabay ng tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan ay nag-request na rin ang LTFRB ng dagdag na budget upang magtuloy-tuloy ngayong buwan ng Setyembre at sa buwan ng Oktubre.
Samantala, inaaral na rin ng LTFRB ang posibilidad ng adjustment sa pasahe ng mga commuter.