Photo courtesy of Department of Budget and Management (DBM)
Umakyat sa ₱107.29 bilyong ang panukalang pondo ng administrasyong Marcos para sa operasyon ng 72 regional hospitals at iba pang health facilities ng Department of Health (DOH) sa 2027.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mas mataas ito ng ₱1.3 bilyong kumpara sa pondong nakalaan ngayong 2026.
Sinabi ni Budget Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, na malaking bahagi ng dagdag na pondo ay mapupunta sa operating expenses ng mga ospital para sa libreng gamot, basic services at pagpapatupad ng Zero Balance Billing program.
Nakapaloob din sa panukalang 2027 national budget ang ₱74.45 bilyong para sa PhilHealth at ₱25.39 bilyong para sa National Health Workforce Support System.
Itinaas din sa ₱3.75 bilyong ang Cancer Assistance Fund, na target makatulong sa 25,000 cancer patients sa 36 cancer care access sites sa buong bansa.