Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi totoo ang zero hiring ng mga guro para sa 2027, taliwas sa mga umiikot sa social media.
Ayon sa DepEd, kaya namang mapunan ang nasa 64,530 unfilled positions at may nakalaang pondo rito na ₱31.22 billion para sa susunod na taon.
Ang hindi lang mapopondohan sa ilalim ng 2027 budget ay ang karagdagang mahigit 14 na libong bagong posisyon, subalit patuloy naman itong isinasailalim sa pag-uusap.
Kapwa binigyang-diin nina Education Sec. Sonny Angara at DBM Sec. Kim Robert De Leon ang pagsasaprayoridad ng deployment ng mga guro sa mga silid-aralan.
Habang tinitiyak naman ng Kagawaran ang benepisyo at career progression para sa mga nasa sektor ng edukasyon.