Sa pagpapatuloy ng bail hearing ni Sen. Rodante Marcoleta at mga kapwa akusado nito kaugnay ng plunder case, humarap sa Sandiganbayan 3rd Divsion ang ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Partikular na tumestigo ang mga opisyal mula sa Revenue District Offices na tumanggap ng donor’s tax returns para sa mga donasyong natanggap umano ng senador mula kay dating Cong. Mike Defensor at dalawa pang negosyante.
Sa BIR RDO 45, tinukoy ang donor’s tax return na nagpapakitang nabayaran ang P2 milyon na donor’s tax para sa akusadong si Espiritu.
Sa RDO 43, nakuha naman ang tax return ni Viray na nagpapakitang umabot sa P1.6 milyon ang donor’s tax.
Samantala, sa isa pang Revenue District Office, inilatag ang donor’s tax return ni dating Cong. Mike Defensor na nagpapakitang umabot sa P2.2 milyon ang donor’s tax.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y P75 milyong donasyon na tinanggap ni Marcoleta noong kumandidato siya sa pagka-senador.
Kaugnay nito, itinakda ang susunod na iskedyul ng bail hearing sa Sept. 14.