Ipinatutupad ngayon ang mahigpit na security measures sa paligid ng Quezon City Hall of Justice para sa nakatakdang arraignment ni Vice President Sara Duterte sa kinakaharap na tatlong counts ng Grave Threats.
Nakatakda ang arraignment sa QC Regional Trial Court Branch 98 alas-8:30 ng umaga ngayong Biyernes, September 11.
Mula alas-6 ng umaga, ramdam na ang presensya ng mga Police personnel mula sa QCPD sa paligid ng QC Hall of Justice.
Masusi ring sinusuri ang mga sasakyang dumadaan sa gusali, habang nilagyan na ng plastic barriers ang kalsadang papasok sa Hall of Justice. Isinara na rin ang Gate 4 ng Quezon City Hall.
Una nang tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang arraignment.
Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Brig. Gen. Christopher Abrahano, ibibigay ng Pulisya ang lahat ng kinakailangang seguridad para sa Bise Presidente. | ulat ni Merry Ann Bastasa