Ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapatupad ng Secondary Price Cap sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Ito’y para mapigilan ang lalo pang pagsipa ng singil sa kuryente sa Visayas at Mindanao na matinding apektado ng sunud-sunod na Red at Yellow alert sa power grid nito.
Ibig sabihin, kukuwentahin ang presyo ng sisingiling kuryente depende sa nakukuha sa grid at ito’y retroactive para sa August billing.
Batay sa datos ng ERC, aabot sa 652 hours ang ipinatupad na Red at Yellow alert sa Visayas Grid nitong Agosto habang nasa 89 hours naman ang naitala sa Mindanao.
Una rito, inanunsyo ng ilang distribution companies sa Visyas ang pagtataas ng kanilang singil dahil naman sa mahal na presyo ng kuryenteng ibinebenta sa WESM.