Makikipagtulungan ang Pilipinas bilang co-host sa ASEAN Future of Maritime Conference 2026 sa September 16, na layong mapabilis ang pagbabawas ng carbon emissions sa shipping industry sa Southeast Asia.
Pangungunahan ng Department of Transportation, kasama ang ASEAN Secretariat at Australia, ang virtual conference.
Tatalakayin dito ang mga teknolohiya, puhunan, polisiya, at kasanayang kailangan para magkaroon ng mas malinis at mas ligtas na maritime sector.
Nagsasagawa na rin ang Pilipinas ng sariling pangmatagalang plano para mabawasan ang greenhouse gas emissions sa sektor ng maritime.
Layunin ng kumperensya na mapalakas ang climate action habang napapanatiling kompetitibo ang shipping industry ng ASEAN.