Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling sapat ang supply ng pataba o abono sa bansa, sa kabila ng naitatalang mataas na presyo nito.
Katunayan, ayon sa pangulo, kung kakailanganin, handa rin ang gobyerno na alalayan ang mga magsasaka sa pag-bili nito.
“So, fertilizer, the supply and the price – the price is still higher than it was before. But there’s sufficient supply, and we’ll just have to pay the price, and if need be, we’ll subsidize that too.” -Pangulong Marcos Jr.
Ang pahayag na ito ng pangulo, kasunod ng epekto sa mga magsasaka ng nagapatuloy na Middle East crisis.
Kung matatandaan kasi, ang oil crisis at fertilizer supply ang pinaka-malaking hamon na kinahaharap ng mga magsasaka, lalo na’t sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon.
“It’s the fertilizer, but fertilizer parang nahanap—found its level again. Kasi noong February 28 ‘yung unang attack, Marso talagang tumaas nang husto pero bumaba din,” -President Marcos Jr.
Kung matatandaan, sa pagsasara ng Strait of Hormuz, isa sa mga naapektuhan ang presyo ng abono sa pandaigdigang merkado, na nagdulot rin ng pressure sa global food at agricultural supply chain.
Ang pamahalaan aniya, handang gawin ang lahat, upang ma-suportahan ang mga magsasaka sa hamong ito.
“Because in an economic sense, it’s much more useful,” -Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan