Iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga pagkumpiska at iba pang enforcement actions kasunod ng month-long nationwide drive laban sa mga paglabag sa batas sa buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, sinuri ng ahensya ang mga fuel station, sabong operations, illegal vape products, at cash register at point-of-sale machines (CRM-POS).
Mahigit 240,000 illegal vape products ang sinira sa Manila, na may tinatayang tax liability na ₱1.54 billion.
Sa fuel testing, 421 stations ang sinuri, habang 164 ang nabigong pumasa sa confirmatory testing at sinelyuhan.
Samantala, 842 establishments ang nakitaan ng paglabag sa CRM at POS.
Umabot sa 385 machines ang sinelyuhan, habang ₱25.11 million ang mga ipinataw na penalty.
Sinabi ng BIR Chief na magpapatuloy ang follow-up inspections at pagsasampa ng kaso laban sa mga lalabag sa batas sa buwis.